Para po sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs):
Ang NEECO II-AREA 1 ay maghahandog ng maginhawang paraan ng pagbabayad nang hindi na kailangang iwan ang sasakyan sa pamamagitan ng NEECO II-Area 1 Drive Thru Payment na matatagpuan sa Brgy. Calipahan, Talavera, Nueva Ecija (likod ng Zone 1/Talavera District Office). Ang naturang pasilidad ay handang mag-serbisyo simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Maaari na po kayong magbayad ng inyong electric bill dito na hindi lagpas sa “due date” at dapat walang lumang pagkakautang. “Cash Payment” lamang po ang tatanggapin at para lamang po ito sa pagbabayad ng electric bill.
Mga dapat tandaan:
1. “NO FACEMASK, NO ENTRY”.
2. Pakidala po ang power bill notice at maghanda ng saktong halaga para sa mabilis na
transaksiyon.
3. Lahat ng uri ng sasakyan ay papayagan (kotse, tricycle, motor, bisekleta atbp.)
4. Manatili lamang sa loob ng inyong sasakyan habang nagbabayad.
5. Maari na rin pong magbayad ang mga MCOs mula sa lahat ng bayan at lungsod na nasasaku-
pan ng kooperatiba.
Para sa karagdagang katanungan, maari po kayong tumawag sa aming hotlines :
SUN- (0933) 8231894 ; GLOBE – (0915) 0816960 o magpadala ng “private message” sa aming official FB page @NEECO2AREA1OFFICIAL kasama ang inyong account details at contact number.
Maraming salamat po at patuloy po kayong umasa na gagawa ng mahahalagang programa ang ating kooperatiba para sa kapakanan at kapakinabangan ng aming minamahal na MCOs.